debilitating:

if you are at a bookstore buying a book and they have the original cover and the movie cover and you buy the movie cover I’m never going to stop judging you

Medyo OA ako pagdating sa libro.

Like, kapag sobrang gusto ko yung libro, ayokong sumikat siya ng sobra kasi dadami yung may gusto dun sa libro tas parang aasta sila na sila yung mga totoong “fans” nung book/series when actually ang tagal na talagang alam yung existence nun sa mga true fans. Yung parang ganun ba.

Kaya kapag nag-suggest ako ng books to read sayo, it’s either

  • a) hindi ako attached sa book - meaning okay lang sakin na sumikat siya ang all at magkaron ng mga fake fans and such
  • b) hindi ako attached sayo - na okay lang saking magustuhan mo yung libro kasi probably it’s just a one-time thing na mag-usap tayo ngayon or dahil hindi naman kita kilala in real life
  • c) naniniwala akong maa-appreciate mo yung libro at hindi ako maiinis sayo - okay lang saking magustuhan mo yung libro kasi ka-close kita/bookworm ka rin/I trust your judgement

Wala lang. Hahaha share lang. Basta books talaga eh, medyo mahirap i-justify ang pagiging protective and secretive and selfish ko. Hahaha. :))

#IritaMuch

Alam niyo yung kaisa-isang bagay na hindi ko nagustuhan sa retreat namin? Yung kinukuha yung camera tas kapag free time (which is SOBRANG minsan), hindi rin binibigay. Alam niyo ba kung gano karami lang yung pictures sakin? 141. One hundred forty-one pictures. Alam mo yung ang sarap nalang magalit at ma-badtrip? Tas kahit naman gagamitin nung mga kasama namin dun na adults, HINDI RIN NAMAN FOCUSED.

!@#$%^&* (raised to the nth power)

Kainis talaga ng sobra. Alam mo yung last retreat niyo na, TAS GANYAN KA-ONTI YUNG PICTURES? Sa 141 na yan, anim lang yung picture sa mukha ko. Nakakainis talaga. Yung isa madilim, yung isa blurred, yung isa matino, yung isa nakatalikod, at yung isa naka-side view. AYOS DIBA?

Oh baka naman sabihin niyo pumunta kami dun para mag-reflect, hindi para mag-picture. ALAM KO NAMAN YUN. DUH. Pero syempre sobrang sakit parin na sa last retreat niyo.. yung retreat niyo sa Tagaytay.. ONTI LANG YUNG PICTURES! Masakit na masakit. Ito lang yung lamang nung 2nd and 3rd year retreat. PICTURES.

!@#$%^&* (raised to the nth power ulit)

Gusto ko picturan yung masasarap naming kinain. Gusto kong picturan yung tinulugan namin. Gusto kong picturan yung activity namin na masasaya. Truth be told, sobrang daming beses dumaan sa utak ko na “Sana nagpipicture ako ngayon. Ilang beses ko yan naiisip. Yun bang may gagawin tas talagang ang gusto ko magpicture.

Hindi naman sa passion ko ang photography ha. Gusto ko lang talaga na kumpleto akong makakapag-blog at makakapag-document ng bawat bagay na ginawa namin. Yung ganun ba. :(

Gusto ko sana ng picture kasama yung seatmate ko sa bus, yung tatlo kong roommates, pati yung mga table buddies ko sa dining hall. PERO WALA EH. Mukha bang may magagawa ako?

Hay nako. Forever na ata akong bitter na konti lang yung pictures. Along with Rapture (by Lauren Kate), sensitive topic narin ‘to sakin. NAIINIS PARIN TALAGA AKO. PERO WALA NA EH. NATAPOS NA YUNG RETREAT. MARAMI AKONG NATUTUNAN AT ISA NA DUN ANG HINDI KO MAKAKAMIT ANG LAHAT NG GUSTO KO KAHIT ANG NINANAIS KO LANG NAMAN AY MARAMING PICTURES NAMING GZ GIRLS AND TOPAZARA GIRLS. *bow*

Umuulan! ^_^v

Kahit gaano ko man kagustong ma-suspend bukas, ‘wag nalang sana kasi kami kami tin mahihirapan. May mga lessons pa na kailangang maturo samin since next week na yung periodical exams na namin. Tas may gagawin pa kami sa TLE bukas. Kung walang pasok, hindi naman namin yun pwedeng i-uwi, at mas lalong hindi pwedeng gawin sa ibang subjects.

Tas yung MAPEH. Periodical pong test na namin sa Thursday tas hindi pa tapos si Sir magpakopya ng notes. Ano kaya yun?? :/ Basta yun. Masaya mang walang pasok, sobrang hassle rin at dagdag stress sa upcoming UPCAT exams wahezhez.

Yun lang. :)

Naiinis ako kapag sa books, yung main character na babae lagi nalang napapangitan sa sarili, tas kapag aayusan ng best friend, biglang sobrang ganda pala all along, ganun. Sobrang hindi realistic. Gusto ko namang magkaron ng libro na hindi attractive yung main character tas may possiblity na hindi sila magkatuluyan nung lalaki. Ganun naman kasi usually eh. Yung totoo, gaano ka kadalas makakita ng whole package na babae? Rarely lang naman. Tas kapag sa books laging ganun yung main character.

Hahahaha wala lang. Irita lang. Bakit kasi ganun lagi. Yung aayusan lang tas attractive na kaagad. Hindi naman ganun in real life. Dapat talaga may gumawa ng realisitc na plot eh. Kapag next year wala parin, ako magsusulat niyan! Hahahahahaha joke yun syempre :)))

Ang point lamang ng post na ito ay: No matter how much I love romance novels, I hate how unrealistic the plots are. Thank you and God bless. *bow* Hahahahaha

So I opened this discussion on goodreads …

it was about the Artemis Fowl Movie. I was very happy to know that many people, like me, fears that the movie will ruin the book. Well at least I know I’m not the only one who thinks that it shouldn’t be a movie. Haha. :)

If anyone decides to make a movie of Callum and Harper, The Boy Who Sneaks In My Bedroom Window, Hopeless, Slammed, or Point of Retreat, I would just die and be depressed and be an emotional wreck for a long time and hate the world even more. 

Consider this as a warning, people. -_-

Natatawa nalang ako dun sa mga taong reblog ng reblog ng reblog ng posts para dumami yung notes. I mean, halimbawa magre-reblog ng old text post, tas makikita ko ulit later or the following days. I’m like, “Di ka naman garapal sa notes?”. XD

Things to do: (not necessarily today)
  • RW notes! :))) Mehehe~ Scratch notebook ftw. :DD
  • Finish the Triune Voice article. (matagal na dapat ‘to eh haha ^_^v)
  • Make a report about Feminism (paradigm). ASDFGHJKL buti nalang next week pa kami. :))))
  • Review sa Computer. (bwisit. quiz ng quiz eh wala rin namang katuturan yun. medyo hindi rin nga nagtuturo eh. ang subject na ito ay dapat puro hands-on ang quiz! ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon wala paring nakaka-realize nun. -_-“)
  • NASAN ANG KASIPAGAN KO?! NAGVACATION NA NAMAN SIYAAAA~ :((
Bakit parang lahat ng housemates 13 y/o?!

Parang lahat sila sobrang immature. Parang nasa isang classroom sila ng mga high school sophomores. Para silang yung lower teens. (13-15) Hindi katulad ng batch nina Kim, para silang mga 16-18, mga .. responsible, I guess? I can’t seem to find the words to describe them. Yung batch naman nina Tricia, para naman silang in their 20’s. Mga mature ang itsura at ugali.

Basta! Yung batch ngayon, parang (para sakin) masyado silang isip bata. Para sakin ha. Meaning, opinion ko yun. Baka mamaya may mang-away sakin, eh opinion lang naman nga kasi yun. :D

Kung ang decisions mo inaasa mo kay Simsimi,

wala kang matinong mararating sa buhay. Programmed application lang yan! Wag kay dumepende diyan masyado. Lalo na sa lovelife. Kahit sa facebook at tumblr, puro yan ang itinatanong kay simsimi. Ang shallow lang talaga, para sakin. :/