May mga panahon talaga na gusto ko lang magpahinga, ‘wag isipin yung mga kailangan kong gawin… yung mag-relax ba. Yung talagang puro sarili mo lang muna yung iisipin mo, hindi muna yung mga responsibilities and all. Kaso wala eh, kahit minsan nagbabasa ako naiisip ko parin yung mga schoolwork na hindi ko pa nagagawa tas kahit maganda yung book may 0.001% parin na guilt and disappointment sa sarili. Yun ang isang bagay na gusto ko magawa kahit minsan: yung completely i-block out muna yung ibang bagay.

Omg ang drama ba nung post? Pagod na kasi ako eh. HAHAHAHA. Pagbigyan, minsan lang magdrama tungkol sa pagod sa pag-aaral. XD

Kaninang Trigonometry period [rin].

Wala kaming ginagawa kaninang Trigonometry time so nag-aral ako para sa MAPEH PLT. Eh si Julia, nagtanong siya ng mga questions kay Sir tungkol sa Math. Tas nakisama narin ako. Nagpaturo kami sa mga ibang bagay na hindi namin alam. UPCAT na kasi sa weekend kaya talagang inaalam na namin yung mga hindi pa natatalakay na lalabas sa UPCAT.

Laughtrip nga eh. Sobrang laughtrip ako kay Julia. Puro tawa lang ata ginawa ko eh maliban sa pakikinig. XD

Sir: So, paano mahahanap yung x?

Julia: Ano?! Paano nanganganak yung x?!

To think na mas malapit si Julia kay Sir nun, hindi pa niya narinig ng maayos. XD Eh tas si Sir binabago bago yung denominator para mas madali, si Julia naman kinokopya sa ntbk niya, tas tuwing binabago ni sir yung denominator, nagbubura si Julia sa ntbk niya.

Ayun, nagrereklamo. Bakit daw ba kasi hindi pa final yung sinusulat niya? Puro bura daw tuloy yung notes niya. Sabi ko naman, MAG-PENCIL. Ayaw niya eh. Edi ayun, hala sige bura pa ng bura. =)))))

Tas laughtrip rin dun sa calculator. Kailangan daw ni Sir ng calcu, edi kinuha ni Julia yung kanya. Ni-reject ni sir, edi yung akin inoffer ko. Ayaw rin. Casio daw kasi siya mas sanay. Edi nanghiram ako kay Vince ng Casio na calcu. Wala rin. Basta parang specific lang yung capacity nung calcu sa mga functions. Basta laughtrip rin yun hahahaha. :))

In fairness, may mga natutunan rin naman ako. I hope naging enough yung pagrereview ko for UPCAT. If not, edi mourn. Jk. Hahaha basta. =))))) Goodluck nalang sakin. Samin. :D

Taylor Swift is set to appear as “Elaine” on the season finale of ‘New Girl‘ on Fox. The singer will join Jess (Zooey Deschanel) at Cece’s wedding and play a very important role in the action.

Hayyy. February na. Lol. Walang nagpapakilig sa buhay ko eh. Magbabasa na nga lang ako ng mga favorite books ko sa Feb 14. Hopeless, Point of Retreat, Slammed … :”“”“> Kinikilig na ako iniisip ko palang eh. :))))

  • Other people: What's your favorite book series and what's it about?
  • Me: *OMG I HAVE TO TELL THEM HOW GREAT IT IS WITHOUT TELLING THEM THE IMPORTANT REVELATIONS IN THE END. I MUST MAKE THEM REALIZE HOW AWESOME IT REALLY IS*
09052012

Buong araw kaming wala masyadong ginawa! :DD Nanuod kami ng dalawang movie, yung “A Mother’s Story” ni Pokwang tsaka yung Hunger Games. Onti lang kami sa klase, mga 15-20. =)))) Yung iba kasi nagpa-practice para sa Cariñosa, tapos yung iba naman, nasa AVR, nagpe-perform ng Zarzuela nila.

Kami yung pinakahuling nakapanuod nung Zarzuela, kasabay yung science section ng first year. Tawang tawa ako! Habang nalalaman yung history ng school namin, nakakatuwa ring panuorin yung mga classmates ko. Lalo na yung mga boys — di ko akalain na sasali talaga sila dun. XD Nakakatuwang panuorin.

Next year nalang ako babawi. HAHAHAHAHA. Anyway, kaya ngayon lang ako nakapag-blog ng kahapon, kasi dala ni ate yung laptop. Ang tagal na nga naming hindi nagkikita eh. Pagka-uwi niya, tulog na ako. Pagka-gising ko for school, tulong pa siya. Ilang araw narin ganun. XD

Grabe ako mag-blog. Nagsimula sa pag-petiks namin sa class, napunta sa Zarzuela, at nag-end kay ate. Yeay me. XD ♥

Okay, so ako na ang walang alam.

"Hey, I just met you,
And this is crazy,

But here’s my number,
So call me, maybe?”

Akala ko kung ano anong pauso lang ng tumblr yan, yun pala galing siya sa isang actual song. XD Nalaman ko lang dahil kay Toni kanina sa ASAP. Sinabi niya na sikat daw na song among teenagers yung “Call me, maybe?”. Sinearch ko yung lyrics sa internet, tapos yan pala yun. I’ve never heard of the song kasi kaya hindi ko alam. Ngayon ko lang talaga nalaman. Akala ko all along na pauso lang yan. XD